Kampanyang may kinalaman sa illegal drugs supply reduction sa Albay, nagpapatuloy

LEGAZPI CITY – Inihayag ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Albay na ipagpapatuloy pa rin ang kanilang kampanyang may kinalaman sa illegal drugs supply reduction alinsunod sa kautusan ni Pang. Ferdinand Marcos, Jr.

Sinabi ni PDEA Albay Drug Buster, Noel Briguel, sa Brigada News FM Legazpi na patuloy ang pagpapaigting nila ng kanilang drug buy-bust operations, search warrant operation katuwang ang Philippine National Police (PNP), check-points, warrant of arrests laban sa mga drug personalities upang tuluyang masugpo ang iligal na droga sa lalawigan.

Maliban dito, marami umanong mga programang makakatulong sa pagbabawas ng problema pagdating sa iligal na droga at ilan na rito ay ang barangay drug clearing program, kung saan katuwang ang lahat ng stakeholders mula sa law enforcement hanggang sa LGU.

Samantala, inihayag naman ni Briguel na mula noong buwan ng Enero hanggang Marso ay mayroon na silang tatlong initiated operations, kung saan ang dalawa roon ay ang pagkalas sa illegal drug tests o ang mga drug houses, dahil kung susumahin, noong Enero pa lamang ay mayroon nang nahuli na mahigit 10 mga drug personalities.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *