Kampo ni Bantag bukas sa special audit sa paggamit ng ₱1-B BuCor construction funds

Handa umanong makipagtulungan si suspended Bureau of Corrections chief Gerald Bantag sa posibleng special audit sa paggamit ng ₱1-billion construction funds ng ahensya.

Sa panayam sinabi ni Atty Rocky Balisong, abogado ni Bantag,  na  naniniwala silang ito ang tamang paraan kasunod ng pahayag ni Bucor chief Gregorio Catapang na inatasan siya ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na hilingin sa Commision on Audit na tingnan ang kuwestiyonableng paglalabas ng pondo para sa pagtatayo ng apat na pasilidad.

Noong December 20, sinabi ni Catapang na nais niyang  magsampa ng kasong plunder bago matapos ang taon o unang bahagi ng susunod na taon laban kay Bantag at iba pang personalidad na posibleng sangkot sa pagpapalabas ng ₱950 milyon sa ilalim ng ₱1-bilyong proyekto.

Sinabi pa ng opisyal , na ang dating  BuCor administration ay binigyan ng ₱1 bilyon para makapagpatayo ng apat na gusali, ang tatlo ay nagkakahalaga ng ₱300 milyon bawat isa at ang isa ay nagkakahalaga ng ₱100 milyon.

Sa imbestigasyon, lumabas na ₱950 milyon, o 95% ng pondo, ang inilabas gayung 60% lamang ng proyekto ang natapos.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *