Kampo ni Bea binalaaan ang mga nagpapakalat ng fake news tungkol sa pag-aaring farm ng aktres

Binalaan ng abogado ni Bea Alonzo ang mga nagpapakalat ng fake news tungkol sa ag-aaring farm ng aktres sa Zambales.

Sa isang pahayag, nagbabala ang abogado ni Bea na si Joey Garcia s amga nagpapakalat ng land-grabbing accusation sa aktres.

Sa Youtube vlog ni Bea noong January 14 , makikita ang ginagawang pagpapakain ng aktres sa mga kapitbahay nilang Aeta.

Marami ang pumuri sa kabaitan ni Bea ngunit may ilan rin ang hindi natuwa tulad ng isang netizen na nagsabing “That’s nice, now how about giving their land back.” Burado na ngayon ang post ng nasabing netizen sa Twitter pero may nakapag-screenshot na nito at nakarating na nga sa kampo ni Bea.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *