Kampo ni De Lima, nakikitang mareresolba na ang mga drug cases nito sa Marso

Posibleng maresolba na umano sa Marcos ang mga drug-related cases laban kay dating Sen. Leila De Lima.

Si De Lima ay nahaharap sa tatlong mga kaso na conspiracy to commit illegal drug trade, pero ang isa ay nabasura na ng Muntinlupa RTC noong February 2021 dahil sa mahinang ebidensya.

Kahapon, dumalo ang dating senadora sa pagdinig sa isa sa dalawang natitirang kaso, at inaasahan nilang matatapos na ng prosecution ang cross-examination sa susunod na pagdinig na gagawin sa February 10 at 24.

Samantala, ang mga pagdinig naman sa iba pang kaso ng dating DOJ secretary sa Muntinlupa RTC Branch 256 ay mangyayari sa January 30 at February 6.

Sinabi naman ni Atty. Filibon “Boni” Tacardon, ang counsel ni De Lima na bagama’t nakatuon sila sa motion for bail ng kanyang kliyente, ay hindi naman nila isinasara ang pinto para sa posibleng aplikasyon ng writ for habeas corpus.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *