Kampo ni Mayor Rosal, nakatakdang mag-file ng mosyon para sa TRO ngayong araw

LEGAZPI CITY – Ngayong araw mismo ay nakatakdang magfile ng Motion for Temporary Restraining Order ang kampo ni Legazpi City Mayor Geraldine Rosal sa Korte Suprema kasunod ng inilabas na desisyon ng Commission on Elections (COMELEC) en banc sa pagdiskwalipika sa kanya sa pagkaalkalde dahil umano sa paglabag sa partikular na bahagi ng Omnibus Election Code.

Sa naging pahayag ni Rosal, kanilang ikinabigla ang naging desisyon ng COMELEC, subalit hindi naman sila umano maaaring basta-bastang sumuko alang-alang din umano sa mga tagasuporta.

Ngayon umano ay ang kanilang legal counsel na si Atty. Romulo Macalintal ang siyang mag-aasikaso ng lahat ng mga papel at dokumento sa Korte Suprema.

Samantala, ipinunto rin ng alkalde, anuman ang mangayari sa mga susunod na araw, kinakailangan pa ring magtrabaho nang maayos ang mga tauhan sa LGU sa pagbibigay-serbisyo sa mga Legazpeño.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *