Teves camp umaasang hindi magiging witch hunt ang senate hearing sa Degamo slay case

Umaasa ang kampo ni Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves Jr. nitong Biyernes na umaasa silang hindi magiging “witch hunt” ang imbestigasyon ng Senado sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Ayon kay Atty. Ferdinand Topacio, umaasa sila sa assurance ni Sen. Bato Dela Rosa na hindi magiging witch hunt ang o court of star chamber sa halip ay dapat maging limitado ang mga magiging katanungan in aid of legislation.

Nauna nang pinatawan ng 60-araw na suspensiyon si Teves dahil sa kanyang patuloy na pagliban sa Kongreso matapos madawit sa pagpatay kay Degamo.

Si Teves ay tinuturing nang isa sa mga mastermind sa pagpatay sa gobernador.

Sinabi ni Topacio na mayroong “very real and very grave threats” sa buhay ng kanyang kliyente.

Nauna nang hinimok ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Teves na bumalik sa bansa, at sinabing handa ang gobyerno na bigyan siya ng seguridad.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *