Kampo ni Robredo, walang objection sa lahat ng COCs

Hindi nagpahayag ng anumang pagtutol ang kampo ni presidential candidate Vice President Leni Robredo sa lahat ng certificates of canvass (COC) sa katatapos palang na general elections.

Sa kanyang manifestation sa pagsisimula ng joint Congressional canvassing, inihayag ng counsel ni Robredo na si Atty. Romulo Macalintal ang naunang pronouncement ng pangalawang pangulo, na gagalangin nila ang mayorya ng mga boto.

Dagdag nito, iwi-waive ng kanilang kampo ang appearance sa joint canvassing, para lalong mapabilis ang proceedings.

Kahapon nang mag-convene ang kapulungan ng Kongreso bilang National Board of Canvassers at opisyal na sinimulan ang canvassing ng mga boto para sa presidential at vice presidential races.

Leave a Reply

Your email address will not be published.