Kampo ni Sen. Binay, pag-aaralan umano ang paghahain ng ‘ethics complaint’ laban kay Sen. Cayetano

Ikokonsulta muna umano ni Senadora Nancy Binay sa kanyang staff at maging legal team kung ano ang karapatdapat na aksyon na kanilang gawin hinggil sa naging sagutan nila ni Senate Committee on Accounts, Chairperson Senador Alan Cayetano kahapon.

Ito ay matapos tawaging ‘Marites’ ni Cayetano ang kanyang totoong pangalan na ‘Lourdes’ at sabihang ‘Buang ka, day’ ang senadora.

Nag-ugat ang mainit na usapin dito nang magsimula silang magtalo sa budgetary cost ng New Senate Building na di kalaunan ay nauwi sa pag-ungkat sa 2005 Makati-Taguig issue.

Ayon kay Senador Robin Padilla na siyang nandoon din kahapon, karapatan ng senadora na maghain ng ‘ethics complaint’ laban kay Cayetano.

Sa kabilang banda, handa naman umano si Senate Majority Leader at Senate Ethics Committee, Chairperson, Senador Francis Tolentino na tanggapin ang possibleng paghahain ng complaint ni Binay sa kanyang komite.

Nagsisi naman din si Tolentino sa maaga niyang pag-alis dahil hindi umano sana ito mangyayari kung di siya umalis papuntang Baguio.

Samantala, isiniwalat ni Binay na tinanggihan umano ni Cayetano ang imbitasyon ni dating Senate Committee on Accounts, Chairperson, Senador Ping Lacson na pag-usapan ang itinatayong New Senate Building sa Taguig City.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *