Kampo ni Bantag, hindi na magbibigay ng kumento sa Bilibid excavation

Hindi na magbibigay ng anumang pahayag ang kampo ni suspended Bureau of Corrections chief Gerald Bantag sa excavation sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.

Sinabi ng abogado ni Bantag na si Rocky Balisong nakatutok na sila sa kasong murder na isinampa laban sa kanyang kliyente.

Matatandaang , natagpuan ang hukay malapit sa official residence ni Bantag sa Bilibid matapos siyang masuspinde bilang director general ng BuCor.

Ito ay tinatayang may 197 talampakan ang lalim at 40 meters ang lapad.

Una nang itinanggi ni Bantag na ang hukay ay para sa treasure hunting purpose o isang escape tunnel para sa mga preso kundi para sa scuba diving.

Si Bantag ay inakusahan ng pulisya na nag-utos ng pagpatay sa radio commentator na si Percy Lapid.

Nagsimula na noong November  23 ang preliminary investigation sa pagpatay kay Lapid at umano’y middleman na si Jun Villamor at magpapatuloy sa December 5.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *