Kampo ni suspended BuCor chief Bantag, nanindigang hindi pa ‘served’ ang subpoena

Nanindigan ang kampo ni suspended Bureau of Corrections director general Gerald Bantag na hindi pa maituturing na ‘served’ ang subpoena sa kanya na inisyu ng Department of Justice.

Ito ay makaraang isilbi ng DOJ ang supboena laban kay Bantag sa kanyang tahanan sa Caloocan City, ngunit hindi naman ito natanggap ng BuCor chief dahil hindi na ito nakatira doon.

Sa isang panayam, sinabi ng kanyang abugado na si Atty. Rocky Balisong na hindi pa rin nila natatanggap ang kopya ng supboena, at hindi rin totoon iniwan ito sa tanggapan ng baranggay.

Sa katunayan, alam din naman umano ng mga kapulisan at ng National Bureau of Investigaiton (NBI) ang tinitirhan nito sa Baguio City.

Muli ring sinabi ni Balisong na matagal angn hindi nakatira si Bantag sa Caloocan magmula nang italaga ito bilang BuCor chief.

Dahil dito, nanindigan si Balisong na hanggat ‘di nila natatanggap ang subpoena, ‘di sila dadalo sa preliminary investigation ng DOJ, at wala rin silang ihahaing counter-affidavit.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *