Kampo ni VP Leni, tinawag na sinungaling si Roque

Tinawag ng kampo ni Vice President Leni Robredo si Presidential Spokesperson Harry Roque na sinungaling matapos nitong sabihin na pinili ng bise presidente na umalis sa Gabinete para magsilbi bilang lider ng oposisyon.

Sa isang tweet ay ibinahagi ng tagapagsalita ng Pangalawang Pangulo na si Barry Guttierez ang screeshot ng mensahe mula sa kay dating Cabinet Secretary Leoncio “Jun” Evasco Jr. kung saan ay sinabihan nito ang Bise Presidente na tumigil sa pagdalo sa Cabinet meetings.

Iginiit ni Guttierez na ayaw na sana niyang patulan ang komento ni Roque, ngunit madali lang naman anya huliin ang pagsisinungaling nito.

Matatandaan na sinabi ni Roque sa isang panayam na nagsilbi na lamang “dekorasyon” si Robredo sa pamahalaan sa nakalipas na limang taon dahil sa desisyon nito na iwanan ang Gabinete para maging lider ng oposisyon.

Kung maalala ay naibigay sa Pangalawang Pangulo ang pusisyong chair ng House and Urban Development Coordinating Council, ngunit dahil sa tensyon sa pagitan nila ni Duterte ay naging limitado ang kaniyang mga functions.

Sa resignation letter ni Robredo, ay sinabi niya na sinubukan niyang maging propesyunal sa kaniyang working relationship kasama ang Pangulo, ngunit dahil sa utos na wag siyang papuntahin sa Cabinet meetings, ay lalo lang naging imposible para sa kaniya na gawin ang trabaho niya bilang Housing czar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *