National

Kampo ni VP Robredo, nag-waive na para i-respeto ang resulta ng NBOC Canvassing

Pormal nang umarangkada ang bilangan ng boto ng Senado at Kamara bilang National Board of Canvassers para sa presidential at vice-presidential votes.

Nagdatingan na ang iba’t ibang mga ballot boxes mula sa overseas absentee voting, habang lumagra na rin ang bilangan sa iba pang mga election returns na nagmula dito sa Pilipinas.

Tiniyak ni House Majority Leader Martin Romualdez na mananatili ang integridad ng electoral process para sa bilangan ng dalawang Kapulungan ng Kongreso.

Makasisiguro aniya ang lahat na maririnig ang boses ng mga Pilipino sa kung sino ang iniluklok nila bilang mga susunod na lider ng Republika ng Pilipinas.

Sinabi naman ni Senate Majority Leader Migz Zubiri na kumpyansa itong magtutugma ang bilangan ng transparency server ng COMELEC sa magiging resulta ng kanilang official canvassing.

Dumalo rin ang mga abugado ng mga presidential candidates, at abugado nina Senador Kiko Pangilinan at presumptive vice president Sara Duterte.

Kaugnay nito, sinabi ni Atty Romulo Macalintal, abugado ni Vice President Leni Robredo, na nag-waive na sila ng appearance para sa bilangan ng boto.

Ito aniya ay bilang bahagi ng panwagan ni Robredo na tanggapin na ang naging resulta ng halalan at ‘wag nang maghain pa ng objection.

Kinamayan si Atty. Macalintal ni Atty. Vic Rodriguez, abugado ni presumptive president Bongbong Marcos, bilang hudyat ng pagtanggap nila sa ginawang pag-waive ng kampo ni outgoing VP Robredo.
#

BNFM Makati

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

21 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

21 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

21 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

21 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

21 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

21 hours ago