Kandidatong magtatalaga ng maraming watcher sa BSKE, posibleng kasuhan ng election offense

Mahaharap sa kasong election offense ang mga kandidatong magtatalaga ng maraming watcher sa mga presinto sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Mauuwi sa diskwalipikasyo ng mga tatakbong kandidato ang paglalagay ng higit sa isang watcher na maaring isailalim sa presumption ng vote buying at vote selling.

Ayon kay Commission on Elections (Comelec) Chairperson George Erwin Garcia, ang mga tauhan ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ang awtorisadong tumulong sa mga botante sakaling may concern sa oras ng halalan sa oktubre-30.

Dagdag pa ni Garcia, sa bilis ng teknolohiya ngayon hindi malabong makarating sa kanila sakaling may umabuso sa dapat na isang watcher kada presinto lamang.

Samantala, opisyal nang idineklara ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. ang October 30, 2023 bilang non-working holiday para sa BSKE na magtatagal mula alas-7 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *