Naglabas ng pahayag ang Movie and Television Review and Classification Board (MRTCB) tungkol sa kantang “MPL” ng content creator na sina Toni Fowler at Freshbreed.
Ito ay matapos makatanggap ang MTRCB ng ilang reklamo tungkol sa bulgar na nilalaman ng video clip.
Nais ng MTRCB na ipaalam sa publiko , na ang MPL ay hindi sumailalim sa MTRCB review and classification, kaya hindi ito binigyan ng anumang rating ng board.

Binigyang-diin din ng MTRCB na kung nabigyan ng pagkakataon ang board na i-rate ang music video, bibigyan ito ng “Not for Public Exhibition” o “X” rating.
Pinaalalahanan din ng MTRCB ang publiko na maaari nilang gamitin ang flag option sa YouTube at iba pang online platforms upang ireport ang content na sa tingin nila ay hindi naaangkop o offensive.//CA
Ganun ganun nalang ba mtrcb ha? Wala man lang kayo aksyon na na I basura Yan na bastos na music video