Kapalaran ng BIA sa hinaharap, nakasalalay sa nagkakaisang Bicolano- DOTr Sec

BICOL—Binigyang-diin ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang kahalagahan ng pagkakaisa ng mga Bicolano upang maipagpatuloy ang operasyon ng Bicol International Aiport (BIA) hanggang sa mga susunod na panahon.

Anya, mahalaga ang desisyon ng mga tao kung sino ang papalit sa pangulo at maging ang paghahalal sa mga lokal na opisyal sa Albay upang masigurong sinumang uupo sa pwesto ay patuloy na pangangalagaan ang proyektong ito.

Wala umanong ibang garantiya dito kundi ang nagkakaisang boses at kilos ng mga mamamayan.

Ang BIA ay nakatakdang buksan sa Oktubre na inaasahang magbubukas ng mas magagandang oportunidad sa negosyo at turismo hindi lamang sa bayan ng Daraga kundi maging sa mga karatig pang bayan at lungsod. || SLM

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *