Kapansanan hindi hadlang para magtapos sa senior high with honors

Nagsumikap at hindi nagpadaig sa kanyang kapansanan ang 24 anyos na Aldrin Maat Pawa upang makapagtapos ng Senior High sa Palawan National School.

Ibinahagi nito ang kanyang mga pinagdaanang pagsubok sa pag-aaral, sa kabila ng kanyang kalagayan na putol mga paa at kamay ay talagang nagpahirap ang sistema ng pag-aaral na modules, partikular na ang pagkuha at pagbalik ng mga modules dahil nasa 4rth floor pa ng kanilang paaralan ito kukunin.

Sa paglalakad naman ay madalas umanong masira ang tsenilas nito kaya hindi maiwasan na masugatan pa ang kanyang tuhod.

Hindi rin nakaligtas ang kanyang kapansanan sa mata ng mga mapanghusga at minsan ay sinasabihang pa syang “Putol”. Subalit imbes na manghina ay mas lalo itong nagsumikap para makapagtapos.

“…Umulan o mainit ang panahon, minsan nakakailang tsinelas na ako ng bili nasisira minsan sa subrang init at nagkakaroon ako ng nana sa tuhod kakalakad. Lahat ng yan tiniis ko, pinagtiyagaan ko para mapatunayan na itong “PUTOL” na tinatawag nila ay makakapagtapos ng pag-aaral,” Pahayag ni Aldrin Maat Pawa.

Nagbunga ang pagsisikap ni Aldrin, dahil nagtapos ito sa Senior High with honors.

Nagpasalamat naman ito sa lahat ng mga tumulong sa kanya at humikayat na ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.

Leave a Reply

Your email address will not be published.