Kaparehong problema kay Jerwin Ancajas nakita sa Martinez rematch – analyst

Kumbinsido si veteran boxing analyst Atty. Ed Tolentino na nagpakita si Jerwin Ancajas ng kaparehong problema mula sa unang laban para sa kanyang rematch kay IBF world super flyweight champion Fernando Martinez nitong weekend sa Carson, California.

Si Ancajas na may 33-3-2 at 22 knockouts bilang prizefighter, ay natalo sa kanyang world title kay Martinez noong Pebrero, at kinuha ang kanyang rematch clause sa Argentinian pero muling natalo via unanimous decision.

Bagama’t natalo, nagpakita naman naman umano si Jerwin ng magandang performance, kumpara noong nakaraang laban nito.

Pero ayon kay Tolentino, andun parin ang conditioning issues, tulad noong dati.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *