Kapatid ng napaslang na middleman sa Percy Lapid slay case, isinailalim na sa Witness Protection Program

Kinumpirma ng mga otoridad na nasa witness protection program na ang kapatid ng napatay na alleged middleman sa pagpatay sa brodkaster na si Percy Lapid.

Ang umano’y ‘Ate’ ng napaslang na si Jun Villamor ay unang lumapit sa programa ni Senador Raffy Tulfo at inihatid naman ni Social Welfare Secretary Erwin Tulfo sa Department of Justice matapos itong humingi ng tulong sa magkapatid na Tulfo.

Ayon kay Secretary Erwin, idinulog niya sa DoJ ang kapatid ni Villamor para tumestigo sa involvement ng napaslang na middleman sa kaso.

VC_TULFO_KAPATID

Sa panayam ni Senador Raffy sa ‘Ate’ ni Villamor, ikinuwento nitong tila handa na raw si Jun Villamor sa kanyang kamatayan nang sumuko sa mga otoridad ang self-confessed gunman na si Joel Escorial.

Bago pa man ito mamatay, nabigay ‘di umano’ si Villamor ng tatlong pangalan na posibleng magpapatay sa kanya.

Matatandaaang unang lumabas sa autopsy report na walang foul play sa kaso ng pamamaslang kay Villamor.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *