Kapitan ng 8 barangay sa bayan ng Juban, pinulong kaugnay ng PNR-South Long Haul Project

Nakipagpulong si Juban Municipal Mayor Gloria Alindogan sa mga Barangay Captain ng 8 barangay na maaapektuhan ng proyekto ng Department of Transportation at ng Philippine National Railways na PNR-South Long Haul Project.

Kinabibilangan ito ng mga barangay ng Tughan, Cogon, Aroroy, Rangas, Bacolod, Putting Sapa, Buraburan, at Guruyan.

Ayon sa National Housing Authority na bahagi din ng nagpatawag ng nasabing pag-uusap na babayaran ang lahat ng  lupa na madadaanan ng proyekto kung saan kailangan lamang na makapagpresenta ang mga may-ari nito ng katibayan na talagang sa kanila ang nasabing mga ari-arian.

Sa mensahe naman ng alkalde, binigyang diin nito ang magandang epekto ng pagkakaroon ng tren sa lalawigan lalo na kung magkakaroon din umano ng estasyon nito sa kanilang bayan.

Malaking ginhawa kasi umano ito sa pagbiyahe ng kanilang mga residente gayundin ng mga turista na gustong bumisita sa bayan ng Juban.

Ang PNR-South Long Haul Project ay inaasahang magpapadali ng biyahe mula Metro Manila patungong Rehiyon ng Bicol at vice versa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *