Local News

Kapitan ng Balogo at Almendras-Cogon, nagbigay paliwanag tungkol sa inireklamong basura sa boundary ng kanilang barangay

Nagpaliwanag ang mga Barangay Chairman ng Balogo at Almendras-Cogon tungkol sa reklamo ng tambak na basura sa boundary ng kanilang lugar na ipinaabot sa Brigada News FM Sorsogon ng ilang residente.

Ayon kay Richard Dioneda, Chairman ng Almendras-Cogon, posibleng nagkaroon lamang umano ng aberya sa garbage truck ng lungsod kaya umabot ng ilang oras bago nakolekta ang mga basura.

Saksi aniya ang kanilang barangay na alas 4:00 o alas 4:30 pa lamang ay kinukuha na ng garbage collector ng lungsod ang nasabing mga basura.

Pahayag naman ni Balogo Barangay Captain  Melvin Hainto, bagamat garbage truck aniya ng lungsod ang kumukuha sa mga nasabing basura, dinadaanan din aniya ito ng garbage truck ng barangay para mag- augment sa pagkolekta ng basura sa lugar, nag kataon lang aniya na nasa ruta ang kanilang mga truck para mangolekta ng mga basura sa looban ng barangay at maliwanag na ang sikat ng araw bago ito naipaabot sa kanila.

Ayon pa sa dalawang barangay officialsl, pag-uusapan nila ang gagawin nilang hakbang para hindi na gawing tapunan ng mga basura ang nasabing lugar, dahil kung tutuusin umano bawal talagang mag tapon ng basura sa gilid ng national highway.

Hindi lang umano ang  mga residente na malapit sa lugar ang nagtatapon ng basura, kundi maging ang mga mula umano sa ibang purok na nakaugalian nang magtapon ng basura sa kanilang boundary.

BNFM Sorsogon

Recent Posts

Lalaki nga giingung tagoanan og armas sa mga gun for hire, nadakpan

Nadakpan sa sakop sa Mambaling Police Station pinanguluhan ni Police Major John Lynbert Yango ang…

2 hours ago

Pagkalunod, ikinamatay ni Danica Pajate

CAMARINES SUR- Pagkalunod ang naging sanhi ng pagkamatay ng 18 anyos na dalagang si Danica…

6 hours ago

Transport Sector sa Naga City tutulong sa trapiko sa pagsalubong sa bagong Arsobispo ng Caceres

NAGA CITY – Pinulong ngayon ng Public Safety Office ang presidente at opisyales ng mga…

6 hours ago

SSS RACE campaign, prayoridad ang empleyado; hindi panggigipit sa mga employers

Nagsagawang muli ang SSS ng tinatawag na Run After Contribution Evaders o RACE noong Biyernes,…

6 hours ago

7 contribution evaders sa Naga City, inisyuhan ng written order ng SSS

NAGA CITY - Inisyuhan na ngayong araw ng written order ang pitong contribution evaders sa…

7 hours ago

Tubig, naging problema ng mga atleta ng Naga City sa unang araw ng Palarong Bicol sa Legaspi City

NAGA CITY – Naging problema din ng mga atleta ng Naga City na kalahok sa…

7 hours ago