Kapitan ng Barangay sa Basud aminadong ginamitan ng “gulpi de gulat” ang constituents kaya naabot ang herd immunity sa COVID- 19 vaccination

CAMARINES NORTE- Aminado si Kapitan Manole Panteriore ng Barangay Mocong sa bayan ng Basud Camarines Norte na bukod sa matinding pakiusap at panghihikayat, ginamitan din umano niya ng “gulpi de gulat” ang kaniyang constituents para magpabakuna kontra COVID- 19.

Hindi naman nasayang ang diskarte ni kapitan dahil bago pa man matapos ang taon ng 2021 ay naabot na ng kaniyang barangay ang herd immunity, ang pinakauna sa 29 na barangay sa Basud.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet sinabi ni Panteriore na nagsagawa sila ng survey sa kada Purok upang alamin kung sino- sino pa ang hindi nabakunahan at pakiusapang magpabakuna.

Mayroon umanong hindi mahirap pakiusapan at agad na tumutugon sa paanyayang magpabakuna  pero mayroon din namang nagmatigas noong una.

Paliwanag ni kapitan ginamit niyang sangkalan ang pagre- release ng barangay at business clearance upang maobligang magpabakuna lalo na ang mga may ari ng negosyo.

Pero paglilinaw ni kapitan na hindi ito pang iipit dahil kung ayaw naman daw talagang magpabakuna ay wala naman silang magagawa at nagre- release din ng clearance.

“Halimbawa nagkukua sinda nin barangay clearance, business clearance, kasi may mga tindahan medyo takutan lang pero tatawan mi, alangan man na dae ta rereklamo man kami kayan,” ani Panteriore.

Kaninang umaga  sa flag raising ceremony sa munisipyo ay tinanggap ng Barangay Council ng Mocong sa pangunguna ni Panteriore ang  halagang P250, 000 na insentibo.

Matatandaan na naglaan ng halagang P1.5 milyon insentibo ang LGU Basud para mahikayat ang mga Barangay na makamit ang herd immunity o 70 % eligible population na mabakunahan kontra COVID- 19 bago matapos ang Disyembre 2021.

Ang mga maliliit na barangay na maabot ang herd immunity sa itinakdanmg panahon ay makakatanggap ng P50, 000 habang 75, 000 naman ang matatanggap ng malaking barangay.

Ang cluster  na kinabibilangan ng malalaking barangay ay may nakalaang P300, 000 na insentibo.

Ang Mocong ay kabilang sa maliit na cluster at dahil ito lang ang nanalo ay solong mapupunta dito ang insentibo .

Ayon kay Panteriore nasa mahigit kumulang 700 ang nakabunahan sa kaniyang barangay at patuloy nitong hinihimok ang mga ayaw magpabakuna na huwag maniwala sa tsismis sa halip ay makipagtulungan sa gobyerno.

“Duman sa dae pa napabakuna sa mga kabanwaan ko nin Basud, dapat magpabakuna na kamo, mayo man po na mawawara saindo, dae kamo matakot imahinasyon lang nindo yan, kasi naga- kamong darangog sa mga bare- bareta na mayong katotohanan kasi madali bagang maglaganap a “marites”.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *