Inamin ng kapitan ng pamasaherong bangka na MB Aya Express na lumubog sa Binangonan, Rizal na wala siyang lisensyang magpatakbo ng bangka.
Sa kasalukuyang imbestigasyon ng Senate panel, napag-alaman na wala itong license.
Bukod dito, giit ng isang nakaligtas sa lumubog na barko na si John Mar Delos Reyes, binalikan pa ng kapitan ng bangka na si Donald Añain ang walong pasaherong naghahabol sa motor banca.
Kung maaalala, isinisisi ni Añain sa sama ng panahon kung bakit tumaob ang sasakyang pandagat, at sinabi pang matagal na siyang bangkero.