Kapon at konsultasyon para sa mga alagang aso at pusa, matagumpay na naisagawa ng Legazpi City Veterinary Office

LEGAZPI CITY – Tinangkilik ng mga Legazpeño ang isinagawang kapon at konsultasyon para sa mga aso at pusa kahapon, Marso 16, ng City Veterinary Office ng Legazpi sa covered court ng Gogon, Elementary School.

Ayon kay Legazpi CVO head, Dr. Emmanuel Estipona, matagumpay ang pagkapon ng mga alagang hayop kahapon, kung saan iba’t ibang barangay ang nagsipagpuntahan upang makiisa sa nasabing aktibidad.

Aniya, nakatipid na ang mga pet owners, dahil sa mura lamang ang kanilang binabayaran kung ikukumpara sa mga pribadong mga vet.

Umaabot lamang sa mahigit PHP 2,000 ang babayaran sa pagkapon ng mga aso, habang mahigit PHP 1,000 naman para sa mga pusa.

Layunin ng programa ito na matulungan ang lunsod na mabawasan ang populasyon ng nasabing mga hayop.

Ang aktibidad na ito ay kaugnay sa pagdiriwang ng Rabies Awareness Month at Barangay Responsible Owners of Dogs Program (BROD).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *