LEGAZPI CITY – Nakatakdang magsagawa ang ang Legazpi City Veterinary Office (CVO) ng “Kapon Bicol” sa darating na Huwebes, Marso 16 ng kasalukuyang taon sa mga alagang aso.
Ayon kay CVO head, Dr. Emmanuel Estipona, magsasagawa rin ng surgery sa mga aso para sa castration at spaying.
Hinihikayat niya ang bawat pet owners na pumunta sa nabanggit na lugar upang makamura at mabigyan ng kapon ang kanilang mga alaga.
Layunin ng ahensya na mabawasan ang dog population sa lunsod na kung saan umaabot na ito humigit-kumulang 30,000 mga aso.
Malaking tulong ang aktibidad dahil maaaring mababawasan na umano bilang ng mga asong gumagala sa kalsada.