Kapulisan at Militar naka-alerto sa patuloy na bakbakan ng armadong grupo sa Pikit, Cotabato

Naka alerto na ngayon ang kapulisan at militar sa nagpapatuloy na giyera sa pagitan ng dalawang grupo sa Sitio Galigayanan, Barangay Macabual, Pikit, Cotabato.

Ayon kay PMaJ. Maxim Peralta, Hepe ng Pikit PNP 7:30 pa ng gabi kagabi ng magsimula ang sagupaan sa pagitan nina Kumander Bugdad ng 129 Base Command ng MILF at Ustadz Walid Mamasamlang at mga grupo nito na pawang mga kasapi ng MILF.

RIDO ang di umanoy dahilan ng sagupaan na posibleng retaliation umano sa pagkakapaslang sa kapitan ng Macabual na si Jalandoni Akas.

Dagdag ni Peralta, inaalam pa nila kung may mga namatay at sugatan sa dalawang magkalabang grupo kabilang na ang isang BPAT ng Brgy Gli-gli na natamaan ng ligaw na bala.

Sa ngayon nagsasagawa na ng strategic checkpoints ang Pikit PNP kasama ang 90th infantry battalion upang hindi na lumawak ang apektadong area at nakipagcoordinate na rin ang Lokal na Pamahalaan ng Pikit sa mga MILF Leaders upang pumagitna sa sigalot ng dalawang magkalabang grupo.

Nakabantay na rin ang mga awtoridad sa mga strategic point ng Barangay Poblacion at Gli-Gli ng bayan habang minomonitor na ng mga ito ang mga posibleng nagsilikas na mga sibilyan.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *