Kapulisan sa South Africa, inaalam ang pagkamatay ng nasa 21 na mga teenager

Inaalam ngayong ng mga kapulisan sa bayan ng Tavern sa South Africa ang pagkamatay ng nasa 21 na mga teenager.

Ayon sa ilang mga opisyal at politiko doon, posibleng under-age drinking umano ang ikinamatay ng 8 babae at 13 na lalaki kung saan 17 sa mga ito ang nadatnang patay sa mismong lugar habang ang iba ay binawian ng buhay sa ospital.

Narekober ang mga walang lamang bote ng alak at wig sa Scenery Park kung saan nangyari ang insidente.

Samantala, wala naman umanong sugat na nakita sa naturang mga kabataan kung saan sasailalim sila sa autopsy upang malaman kung pagkalason ang naging sanhi ng kanilang pagkamatay.

(ARGIE ERGINA)

Leave a Reply

Your email address will not be published.