Negatibo umano sa oil spill ang karagatan ng Coron, Palawan, ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office- Coron.
Sa post ng opisina sa kanilang official facebook page ngayong Miyerkoles, matapos ang apat na oras ng maritime patrolling at pagtatanong sa mga mangingisda sa laot ay walang nakitang oil spill sa karagatan kung saan sinasabing mayroong nakitang posibleng oil spill.
Hanggang sa ngayon ay wala pang nakikitang posibleng oil spill sa baybayin, paggigiit ng tanggapan.
Nagsagawa rin umano ng aerial surveillance at ngayong Abril 5, nakatakdaNg lumipad ang helicopter ng Philippine Airforce mula Puerto Princessa City patungo dito sa Calamian upang magsagawa ng aerial surveillance sa lugar kung naan mayroon nakita via satellite na possible oil spill particular sa silangang bahagi ng Coron.
Sa kabila nito, patuloy ang panagawan ng MDRRMO sa mga mamamayan na maging alerto at manatiling mapagmatyag sa posibleng langis na mamataan sa karagatan o baybayin.