Karagdagang 1, 600 doses ng Sinovac vaccine nakatakdang dumating ngayong araw sa lalawigan ng Camarines Norte

CAMARINES NORTE- Nakatakdang dumating sa lalawigan ng Camarines Norte ngayong araw ang karagdagang 1, 600 doses ng CoronaVac vaccines ng Sinovac batay sa schedule ng Department of Health (DOH).

Kabilang ito sa 23, 000 doses na dumating sa rehiyon kamakalawa na idineretso sa DOH CHD Cold Storage Facility, bago i deliver sa iba’t- ibang lalawigan.

Ang naturang dose ng bakuna ay gagamitin pa rin para sa Priority Groups na A1, A2 at A3, o sa mga health workers, senior citizens at persons with comorbidities.

Matatandaan na noong isang Linggo ay may dumating din sa lalawigan na 400 vials ng Sinovac vaccine na ayon sa Provincial Health Office ay para pa rin sa mga kabilang sa A1 priority o health workers.

Panghabol ito sa sa mga kabilang sa A1 priority na tumanggi noong magpabakuna.

Nauna nang sinabi ni acting Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco na susuyurin ng PHO ang bawat munsipyo at barangay upang alamin kung sino- sino pang health workers ang ayaw magpabakuna.

Binigyang pansin naman ng DOH ang kahalagahan ng masterlisting ng mga LGUs dahil ito umano ang magiging basehan para sa vaccine allocation.

(Photo courtesy: DOH Bicol CHD)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *