Karagdagang 10,000 slots, welcome sa TNVS Alliance of the Philippines

Winelcome ng Transport Network Vehicle Service (TNVS) Alliance of the Philippines ang pagbubukas ng tinatayang 10,000 na mga bagong TNVS slots.

Ayon sa TNVS Alliance of the Philippines, ang pagkakaroon ng mga bagong slots ay magdudulot din ng bagong livelihood opportunities para sa mga Pilipinong naghahanap ng income stream ngayong post-pandemic era.

Inaasahan daw ng grupo ang pagdating ng mga bagong TNVS drivers sa kanilang komunidad, kasabay ng pagbibigay ng ligtas at komportableng transport service na nararapat sa mga Pilipino.

Sa Board Resolution No. 022, Series of 2023, nagbukas ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB ) ng 10,300 new TNVS slots sa Metro Manila at MUCEP area na kinabibilangan ng mga siyudad sa Metro Manila, at mga probinsya ng Bulacan, Laguna, Cavite, at Rizal.

Nakasaad sa resolusyon na batid ng LTFRB ang pangangailangan sa mga karagdagang mga slots upang mapanatili ang sapat na bilang ng mga TNVS para tugunan ang mataas na demand sa mga ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *