Karagdagang 4K cubic meters sa suplay ng tubig, ipinangako ng SCWD pagkatapos ng kanilang tatlong major projects

Nasa 4K cubic meters ang nakatakdang madagdag sa supply ng tubig sa lungsod ng Sorsogon bawat araw, ito ay kapag matapos na ang tatlong major projects ng Sorsogon City Water District at Prime Water Sorsogon City.

Ayon kay SCWD Interim General Manager Engr. Eduardo Tejada, kabilang sa tatlong major projects nila ay ang decommissioning ng mga tubo sa West District na inaasahan na matatapos ang paglipat ng suplay ng tubig sa bagong linya nito ngayong Septyembre.

Aniy,a halos 40 years na ang mga lumang tubo kaya marami na itong leakage at dirty water na rin ang lumalabas dito bukod pa sa mga illegal connection.

Kapag naayos na umano ang kabuuang linya ng tubig, mahigit 1K cubic meters per day pa ang marerecover dito.

Kabilang rin sa proyekto ay ang dalawang deep well, isa sa Barangay Cabid-an na magsusuplay rin ng 1K cubic meters per day sa malaking bahagi ng nasabing barangay at ang SCWD well 2 sa San Lorenzo Bibincahan na magsusuplay naman ng 2K cubic meters per day sa kabuuang bahagi ng barangay at sa Bacon District.

Kapag natapos na umano ang mga nasabing proyekto ay makakapagsuplay na sila ng 24/7 sa mga kabahayan. Humingi naman ng paumanhin si Tejada sa mga apektadong mga residente dahil sa paghina hanggang sa pagkawala ng suplay ng tubig.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *