Karagdagang eskwelahan sa Camarines Norte magbubukas ng High School ngayong  School Year 2022- 2023

CAMARINES NORTE- Ilan pang mga eskwelahan sa Camarines Norte ang magbubukas  na ng High School ngayong School Year 2022- 2023.

Kabilang dito ang dalawa mula sa Jose Panganiban, ang Regino Yet at Dahican Elementary School na magigi nang Integrated School.

Sa bayan naman ng Mercedes ay ang Hamorawon Integrated School.

Nangyari ito sa panahon ni dating Schools Division Superintendent Nympha Guemo na ipagpapatuloy naman ngayon ng bagong SDS Crestito Morcilla na pormal na naupo sa pwesto mahigit isang linggo na ang nakakalipas.

Malaking tulong ang pagkakaroon ng Integrated Schools lalo na sa mga liblib na lugar upang mapatapos ng mga magulang ang kanilang mga anak sa sekundarya.

Maliban dito, may mga ilan pang eskwelahan ang nagbukas tulad ng Binatagan Elementary School sa Basud.

Nariyan din ang Capalonga National High School sa Capalonga, sa Sta Elena, Barangay Anameam at Baay sa Labo at marami pang iba.

Nakapagbukas din ang Schools Division Office ng Katutubo Elementary School sa bayan ng Paracale para sa Indigenous People.

Sa kaniya namang pananalita sa pinakaunang flag ceremony noong Martes bilang bagong pinuno ng DepEd Camarines Norte sinabi ni SDS Morcilla na masaya siya sa kaniyang pagbabalik sa lalawigan.

Si Morcilla ay mahigit isang taon ding nanungkulan noon bilang ASDS bago italagang SDS sa Iriga City Division.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *