Karagdagang libreng pabahay, ipinamahagi sa 5k pamilya sa Iloilo, Samar – Nograles

Pinangunahan ni Cabinet Secretary Karlo Nograles, mga opisyal mula sa National Housing Authority (NHA) at ang beneficiary LGUs ang pamamahagi ng karagdagang libreng housing units sa Concepcion, Iloilo at Basey, Samar noong May 26, 2021, bilang bahagi ng sunod-sunod na virtual turnovers para sa mga biktima ng Bagyong Yolanda.

Para sa Iloilo, 1,803 newly-built houses ang mga ipinamigay, habang ang Samar ay nakatanggap ng 2,926 units. Ang distribution ay bilang bahagi ng commitment ng Duterte administration para matugunan ang housing needs ng mga apektadong pamilya at at mabigyan sila ng tsansa na muling makatayo.

Samantala, simula nang umupo bilang chairmanship ng Inter-Agency Task Force for the Unified Implementation and Monitoring of Rehabilitation and Recovery Projects and Programs in Yolanda-affected Areas, nakapag-turn over na si Nograles ng mahigit 41,066 units s aiba’t-ibang lungsod at munisipalidad sa Region 6 at 23,067 units sa Region 8.

Tiniyak naman nito na siya ring head ng Zero Hunger Task Force, na ang mga bahay at kumunidad ay kompleto sa basic amenities at facilities.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *