CAMARINES NORTE- Umaabot sa P10 milyong piso ang naaprubahan bilang karagdagang pondo sa tupad program ng DOLE para sa unang distrito ng Camarines Norte
Resulta ito ng isinagawang pagpupulong ni 1st District Congresswoman Josie Baning Tallado kay DOLE Region V Director Ma. Zenaida A. Angara-Campita
Ang 5 milyong piso ay mula sa DOLE Central Office at ang isa pang 5 milyong piso ay mula sa tanggapan ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez
Ang karagdagang pondo ay ibibigay sa mga magiging benepisyaryo mula sa Unang distrito
Ang TUPAD ay programa ng DOLE na naglalayong makatulong sa pagbawas ng kahirapan at sa pagtaguyod ng kaunlaran.
Ito ay isang community-based package of assistance na nagbibigay ng pansamantalang trabaho sa mga displaced, underemployed at self-employed workers