Karagdagang P3K na honorarium para sa mga gurong nagsilbi bilang electoral board nitong Halalan, siniguro ng COMELEC

BNFM BICOL – Siniguro ng Commission on Election o COMELEC-Bicol na magbibigay sila ng karagdagang P3,000 na honorarium para sa mga gurong nagsilbi bilang Electoral Board nitong nagdaang eleksyon.

Kaugnay nito nagpadala ng liham ang COMELEC sa Department of Education upang isulong ang panawagan ng DepEd Election Task Force sa pagbibigay ng nasabing halaga ng honorarium para sa mga teaching at non-teaching personnel na nagbigay serbisyo nitong Halalan.

Nakasaad sa nasabing liham ang kahilingan ng DepEd na maibigay ang nasabing halaga bago mag May 24, 2022 o sa mismong araw ng naturang petsa bilang karagdagang bayad sa mga gurong naglaan ng karagdagang oras ng pag se-serbisyo dahil sa pagkaantala ng eleksyon bunsod ng pag malfunction ng mga VCMs at iba pang katulad na insidente.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *