Karagdagang panuntunan na susundin ng mga empleyado at kliyente ng kapitolyo, inilatag ng PGI

Inilatag ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela ang karagdagang panuntunan na susundin ng mga empleyado at kliyente ng Kapitolyo upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 lalo na umano ang maaring banta ng Delta Variant.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay Atty. Elizabeth Binag, ang Provincial Information Officer ng lalawigan, layunin ng naturang supplemental guidelines na mapalakas ang umiiral na minimum public health standard alinsunod sa DOLE-DTI joint memorandum Circular no. 20-04-A s, 2020 o supplemental guidelines on workplace prevention and control of covid-19.

Aniya, nakapaloob sa naturang panuntunan ang pagsusuot ng dobleng face mask ng mga empleyado maging ng mga papasok sa kapitolyo at full coverage face shield at mariing ipinagbabawal ang visor type lamang.

Kabilang din dito ang 1–2-meter physical distancing, barriers sa mga opisina ng upang maiwasan ang direktang exposure sa mga kliyente, Frequent disinfection sa loo at labas ng kapitolyo, Handwashing stations, sanitizers at drying equipment.

Dagdag pa ni Atty. Binag, ang naturang mga karagdagang panuntunan ay magbibigay gabay sa mga empleyado at kliyente ng Kapitolyo sa pagprotekta sa kalusugan laban sa banta ng COVID-19 Delta variant.

Samantala, patuloy naman ang paghahanda ng PGI upang magkaroon na ng Safety seal certification mula sa DILG at Regional Infection Team kabilang na ang pagkakaroon ng isolation facility sa compound ng provincial capitol para sa mga empleyadong maaring tamaan ng COVID-19.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *