Karagdagang sundalo ideneploy para sa search and rescue ops sa landslide sa Leyte – Army

Umaasa ang mga Philippine Army na may makukuha pa silang survivor sa mga lugar na sinalanta ng baha at landslide sa Abuyog at Baybay City, Leyte.

Ayon kay Philippine Army–802nd Infantry Brigade commander Col. Noel Vestuir itutuloy nila ngayon ang search and rescue operation sa nabanggit na mga lugar sa pag-asang mayroon pa silang mga buhay na maililigtas.

Aminado si Vestuir na kailangan nilang bilisan ang operasyon dahil kalaban nila ang oras sa ganitong mga sitwasyon.

Nagdeploy na rin umano ng karagdagang mga sundalo ang 802nd IB para tumulong sa search, rescue at retrieval operations.

Idinadalangin naman ng opisyal na magtuloy-tuloy na ang pag-ganda ng panahon upang maka-kilos ng maaayos ang mga rescuer sa paghahanap ng mga nawawalang biktima.

Nabatid na batay sa tala ng NDRRMC nasa 37 na ang kumprimadong nasawi dahil sa landslide sa Baybay City habang pito pa ang naiulat na nawawala.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *