karamihan ng naka-confine sa ICU sa isang ospital sa Rome, hindi pa nababakunahan

Naiulat ng Rome na karamihan ng COVID-19 patients na naka-confine sa intensive care units ng ilang ospital nito ay mga hindi bakunadong indibidwal.

Ipinunto ng 41-anyos na pasyente sa ICC Casalpalocco Covid hospital na mababa ang kumpyansa niya sa bakuna.

Gayunman, sinabi niya na kung makakabalik siya sa nakaraan ay handa na siyang magpaturok dahil ito ang kinakailangan.

Inihayag naman ng isa pang pasyente na nagpakilala bilang Salvatore, na humihinga sa tulong ng isang mask, na suportado niya ang pagpapabakuna, ngunit hindi pa siya natuturukan nito bago siya nagkasakit ng malubha.

Sa kasalukuyan ay meron 19 na pasyente sa ICU ng pagamutan na inilaan para sa COVID patients, kabilang na ang 17 na unvaccinated na pasyente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *