Karamihan sa mga senior citizen nag aalinlangang magpabakuna kontra COVID- 19

CAMARINES NORTE – Aminado ang Provincial Health Office (PHO) na marami pa rin sa mga senior citizens ang nag- aalinlangang magpabakuna kontra COVID- 19.

Kaya naman ayon kay acting Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco mas pinaigting pa nila ngayon ang kampanya para mahikayat ang mga itong magpabakuna.

Aniya may mga nagbabahay- bahay pa upang ipaliwanag ang tungkol sa kahalagahan ng bakuna at sa proteksyong hatid nito kontra COVID- 19.

Kung maaalala ay sinimulan nitong buwan ang pagbabakuna sa mga senior citizens at sa mga mayroong comorbidity.

Muli ring binigyang diin ng PHO na samantalahin ang bakunang mayroon ngayon dahil nagkukulang ang suplay nito hindi lang sa bansa kundi sa buong mundo.

“May mga seniors pa kasi na hindi pa tanggap masyado ang bakuna pero talagang binabahay- bahay po yan at hindi naman baga marami ang ating bakuna, kaya kung minsan sa isang barangay may kinukuha lang silang sampu o 20 para lang maumpisahan na natin ang mga senior citizens,” ani Francisco.

Bata sa vaccine statistics ng Department of Health (DOH) na sa 18, 960 na ang nabakunahan sa lalawigan ng Camarines Norte.

Nasa 10, 463 sa 11, 250 o 93 % ang nabakunahan na ng first dose habang 980 sa 7, 710 o 13 % pa lang ang nabibigyan ng second dose.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *