Patay ang 37-anyos na Karpentero matapos na pagbabarilin, umaga noong Huwebes, Setyembre 14 sa Sitio Tipolo, Brgy Buenasuerte, Pio V Corpus, Masbate.
Ang biktima ay nakilalang si Nelson Dalumpines Roque, may asawa at naninirhan sa nasabing lugar.
Sa report ng PVC Municipal Police Station, nakatanggap sila ng tawag galing sa isang Barangay Kagawad na merong shooting incident sa nasabing lugar.
Rumesponde agad ang mga pulis at pagdating sa lugar ay naabutan nila ang biktima na nakabulagta sa loob ng kanyang bahay at may mga tama ng bala sa ibat-ibang parte ng katawan nito.
Hinihinalang mga miyembro ng rebeldeng grupong NPA ang tatlong suspek na pumasok sa bahay ng biktima.
Matapos ang pamamaril ay nakitang naglakad lamang ang mga suspek papuntang bulubunduking parte ng Brgy Cabangrayan ng nasabing bayan.
Narekober ng mga awtoridad sa pinangyarihan ng krimen ang dalawang basyo ng bala mula sa Cal 5.56mm.
Ang mga labi ng biktima ay dinala sa RHU para sa pagsasailalim ng post mortem examination.
