Kaso laban sa tinuturong naghit-and-run sa Grade 6 pupil sa Tantangan, isinampa na

KORONADAL CITY – HINIHINTAY na ngayon ng pamilya Palaguyan ang ipapalabas na schedule ng prosecutor’s office kaugany sa pre-trial ng kaso na isinampa sa itinuturong suspek na nag-hit-and-run sa Grade 6 pupil na si Khurk Lowie Billones noong May 25, 2024. Ito ang inihayag ni Renalyn Billones-Palaguyan ina ni Khurk Lowie sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal kung saan kanila umanong isinampa ang kaso noong Hunyo 13 sa Hall of Justice kasama at sa tulong ng Tantangan Municipal Police Station.

Nagpapasalamat din ito dahil naisampa ang kaso laban sa itinuturong suspek na si Richard Aguilar kung saan mas mapapagaan umano ang kanilang kaisipan kung magsisimula na ang hearing sa kanilang kaso. Nananatili ngayon na hustiya ang sigaw ng pamilya Palaguyan kasabay ng kamatayan ni Khurk. Ayon sa ina, na kung si Aguilar mismo ang nasaliko ng naturang aksidente, aminin na lamang nito ang pangyayari upang maibigay na ang hustisya sa kaniyang anak.

Inihayag ni Palaguyan na hindi na maibabalik ang buhay ng kaniyang anak kung saan humihiling ito na panindigan na lamang sana ang pangyayari kung mapapatunayan.

Maaalala, na isang buwan noong June 25, 2024 na namatay si Khurk Lowie. Samantala, nagpapasamat din si Renalyn sa kanilang mga pamilya at mga kamag-anak na tumutulong at hindi nagpapabaya sa kanila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *