Kaso ng Anti-Trafficking In Persons Act laban sa isang jeepney driver sa Angeles City binasura ng korte

Dismissed ang naging order ni RTC Angeles City Branch 118 Presiding Judge Rene Reyes sa kasong paglabag sa Anti-trafficking in Persons Act of 2003 laban sa jeepney driver na si Daniel Lingad.

Matatandaan na si Lingad ay inakusahan na myembro umano ng sindikato at ginagamit ang kanyang pampasadang jeep upang i-biyahe ang mga katutubong Badjao para mamalimos.

Nakasaad din sa order na hindi sapat ang mga salaysay ng mga miyembro ng ACTDO at kuha sa mga CCTV sa command center, upang maging kaso ito ng human trafficking.

Sa mga iprenisinta ring mga screen shot ng CCTV na kuha noong May 18, 2023, hindi rin umano natukoy kung sino ang nagmamaneho ng blue jeep na may plakang CVB 212.

Dagdag pa rito, kahit na sakay ng jeep ang mga katutubong Badjao noong madaling araw ng May 18, 2023, hindi umano ito sapat na ebidensya para sa kasong anti-human ttafficking in persons act at wala ring nakita ang korte na may nilabag ang driver na kasong human trafficking.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *