Kaso ng COVID-19 sa bansa, inaasahang tataas pa- OCTA Research

Maaring umabot sa 1,200 COVID-19 cases ang Pilipinas, base sa projections ng OCTA Research.

Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, maaaring umabot na sa 1,200 ang maitatalang kaso sa bansa, matapos ang 1,196 cases noong weekend.

Sa pinakabagong ulat ng Department of Health, ang National Capital Region na may 5,945 cases, ang may pinakamataas na bilang ng new infections sa nagdaang dalawang linggo.

Sinusundan ito ng Calabarzon na may 2,498 cases; Central Luzon na may 1,222 cases; Cagayan Valley na may 716 cases; at Western Visayas na 706 cases.

Samantala, ang nationwide positivity rate ng bansa ay nasa 12.5%.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *