CAMARINES NORTE – Nadagdagan ng 15 ang mga pasyente sa Camarines Norte na nag-positibo sa Coronavirus Disease, dahilan para umakyat sa 411 ang kabuuang bilang ng mga kaso, sa ulat ng Department of Health (DOH)- Bicol.
Habang nananatili sa 237 ang mga nakarekober sa sakit matapos na walang maitala ngayong araw
Umakyat naman sa 22 ang death toll matapos makapagtala ng 2 bagong pagkasawi
Ang mga bagong kasong naitala ay galing sa bayan ng Daet na may 6 , 4 mula sa Basud, tig-2 kaso ang bayan ng Labo at Capalonga at may 1 mula sa Paracale
Samantala, may naitalang 56 na nagnegaitbo ang resulta matapos na sumailalim sa swab test