Kaso ng Covid-19 sa Koronadal, nag-plateau na!

KORONADAL CITY — NAG-PLATEAU na ang kaso ng coronavirus disease o Covid-19 sa lungsod ng Koronadal.
Ito ang kinumperma ni Dr. Edito Vego, city health officer ng lungsod kung saan malaking tulong umano ang mas hinigpitang pagpapatupad ng minimum health protocols kontra Covid-19.

Ayon sa opisyal na hindi nangyari ang unang predictions nito na aabot sa 300 hanggang 400 sa loob ng dalawang linggo ang kaso ng Covid-19 sa Koronadal.

Sa pinaka-bagong datus na inilabas ng City Health Office, nasa 251 ang aktibong kaso ng Covid-19 sa buong Koronadal kung saan pinaka-marami sa mga ito ay naitala sa Barangay Sto. Nino na umaabot sa 46 habang pumapangalawa naman ang Barangay Sta. Cruz na may 27 at pangatlo ang Barangay Zone III na may 24.

Sa ngayon, nilinaw ni Vego na karamihan sa mga nagpopositibo sa Covid-19 sa Koronadal ay galing na sa mga tahanan at hindi na sa mga opisina.

Dahil dito, hindi na rin umano nila nirerekomenda ang home isolation sa mga Covid-19 positive dahil malaki ang tsansa ng hawaan sa loob ng bahay.

Inako din ng opisyal na lumobo ang kaso noong mga nakaraang linggo sa lungsod dahil pinahintulutan ang home isolation dahil na rin sa kakulangan ng pasilidad na pagdadalhan sa mga ito.

Dahil ito, binuksan ng city government bilang Covid-19 isolation facility ang Marbel 1 Elementary School na may 100 bed capacity at target na gagawing 200 bed capacity.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *