Kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Albay, bumaba sa 2

LEGAZPI CITY – Mula sa sampung mga kaso ng COVID-19 na naitala sa lalawigan ng Albay noong Abril 30, kahapon ay tuluyan na itong bumaba sa dalawa.

Sa datos ng Albay Provincial Health Office (PHO), positibo ang 22 anyos na babae mula sa Brgy. Matagbac, lunsod ng Tabaco at ang 37 anyos na rin na babae mula sa Brgy. 16, Kawit – East Washington Drive, lunsod ng Legazpi.

Parehong naka-quarantine ang dalawang nagpositibo, habang sa kasalukuyan ay inaalam pa o bineberipika ang vaccination status ng mga ito.

Sa ngayon, 347 na ang mga aktibong kaso ng nasabing sakit sa lalawigan.

Palala ng PHO kasama ang DOH Bicol, hindi pa natatapos ang pandemya at hangga’t mayroong mga nagpopositibo, mayroon pa ring tiyansa na kumalat ito, kung kaya’t upang maiwasan, sumunod sa mga minimum public health standards at magpabakuna.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *