Kaso ng covid sa Isabela, sumipa na sa lagpas 2,000

Sumipa na sa lagpas dalawang libo ang kabuoang aktibong kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Isabela batay sa huling tala na inilabas ng Isabela Provincial Information Office ngayong araw, January 17, 2022.

Batay sa datos, mayroon ng 2, 089 ang total active cases ng lalawigan matapos maitala ang 289 na mga bagong kaso.

Mula sa mga bagong kaso 99 cases rito ang galing sa Santiago City na siyang may pinakamataas na active cases na ngayon ay mayroong 534, 40 naman ang naitala sa bayan ng Cabagan kaya’t nasa 101 na ang kanilang active cases.

Samantala, 34 din ang naitalaang bagong kaso sa Echague na ngayon ay mayroon ng 107 cases.

Sa buong probinsya, ang lunsod ng Cauayan ang pumangalawa sa may mataas na aktibong kaso na may 168 cases.

Ngayong araw ay naitala rin ang mataas na bilang ng mga gumaling na mayroong 234 at 3 ang naidagdag sa bilang ng mga nasawi dahil sa COVID-19.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *