Kaso ng Delta Variant ng Covid-19 sa Pilipinas, nadagdagan pa ng 12; 6 dito mula sa Central Luzon

Iniulat ng Department of Health ngayong araw na nadagdagan pa ng 12 ang local cases ng Delta variant ng COVID-19 sa bansa.

Mula sa 12 na bagong kaso, 6 dito ang mula sa Central Luzon, 3 mula NCR, 2 sa CALABARZON at isa mula Region 5.

Ayon sa DOH lahat umano ng mga ito ay naka tag as recovered na pero isinasailalim pa rin sa validation ng mga regional at local health offices.

Sa ngayon umakyat na sa 47 ang bilang ng mga tinamaan ng Delta variant sa bansa, 36 dito ang naka rekober, 3 ang nasawi at meron pang walong active cases.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *