Kaso ng Dengue sa Koronadal, umabot na sa halos 300

KORONADAL CITY – UMABOT na 293 na indibidwal ang tinamaan ng sakit na dengue mula Enero hanggang Agosto nitong taon, base sa tala ng City Health Office.

Anim (6) na mga barangay dito ang may pinakamataas na kaso na kinabibilangan ng Santa Cruz at Sto. Niño-43, Zone III-32, Gen. Paulino Santos (GPS)-31, Morales-24 at Zone IV-20

Bagaman hindi naman maituturing na nakaka-alarma ang naturang datus, umaapela pa rin si City Health Physician Dr. Stephen Mortera na hindi dapat ito isawalang-bahala.

Aniya, dapat pa ring panatilihing maging malinis ang kapaligiran at ipagpatuloy ang nakaugaliang “4S strategy” kontra dengue. Dagdag pa nito, hindi lamang dapat nakatu-on sa isyu ng COVID-19 ngunit pagtuunan din ang iba pang programang pangkalusugan.

Ang buwan ng Hunyo ang may pinakamataas naitalang kaso na may kabuuang 54 na kaso ng dengue subalit unti-unti naman itong bumaba pagsapit ng Hulyo hanggang Agosto na mayroon na lamang 21 na kaso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *