Kaso ng dengue sa Rapu-Rapu Albay, pumalo na sa mahigit 30; isang pagkasawi, naitala – Albay PHO

LEGAZPI CITY – Ikinaalarma ng Albay Provincial Health Office (APHO) ang unti-unting pagdami ng mga kaso ng sakit na dengue sa bayan ng Rapu-Rapu, Albay.

Ayon kay Dr. Nathaniel Rempillo, head ng nasabing opisina, umabot na sa 32 ang naitalang kaso ng nasabing sakit, kung saan isa ang nasawi.

Aniya, hinati sa tatlong grupo ang PHO na kinabibilangan ng health promotions, sanitation at hospital operation upang mapigilan ang pagdami ng mga kaso ng sakit.

Nagsagawa rin ng misting operation ang opisina sa mga lugar na pinamumugaran ng mga lamok na nagdadala ng dengue.

Sa ngayon ay may limang fatality na ng dengue ang naitala sa Albay. Sinabi pa ni Rempillo, magsasagawa pa rin ang mga ito ngayong linnggo ng evaluation sa kaso ng nabanggit na sakit upang makita kung mayroong pagtaas o pagbaba nito sa bayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *