Kaso ng dengue sa Sorsogon bumaba ng 70%

Bumaba ng halos 70% ang kaso ng dengue sa lalawigan ng Sorsogon, ayon ito sa pinaka uling tala ng Provincial Health Office.

Matatandaan na sa panayam ng Brigada News ng Sanitation Inspector IV ng Disease Surveillance Unit ng Provincial Health Office na si Jeanelita Avanica, umabot sa 250 na kaso ang naitala sa lalawigan sa unang quarter ng taon.

Bagama’t mahigpit ang paalala ng PHO na hindi dapat maging kampante ang publiko, dapat ay  panatilihin pa rin ang kalinisan sa kapagilirin upang maiwasan ang dengue.

Ayon naman sa Pamahalaang Lalawigan, malaking tulong sa pag papababa ng kaso nito ang kalinisan program ng PLGU sa ilalim ng Kalinigan initiative na bahagi ng 7K flagship program.

Aabot na sa 481 na na mga barangay ang nabebenipesyuhan ng programa mula sa kabuuang 541 na bilang ng mga barangay sa lalawigan.

Kasalukuyan ring nasa 16,095,600 ang pundong naipalabas o nagastos ng lalawigan para sa nasabing programa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *